A book by Mighty Rasing

Kung sana may librong ganito nung bata-bata pa ako, baka maaga akong nagkaroon ng direksyon sa buhay!  Ang librong May Powers Ka To Be #Super Epic ay simple at direct to the point.  Walang paligoy-ligoy.  Ang maganda pa ay isinulat siya in Filipino – English.  Yung tipong kung paano tayo nagsasalita sa ngayon.  Di purong Tagalog, di rin purong English.  Just right!

I was intrigued by the title kaya ko siya kinuha sa shelf at binili.  I was looking for another book nang makita ko ang book na ito.  Ang sabi ko sa sarili ko, “Super Epic?  Ano ba ibig sabihin ng super epic?  Ano ba yung epic?”

According to Webster, pag sinabing epic, it has something to do with “narrating the deeds and adventures of heroic or legendary figures or the history of a nation.”

So ibig sabihin pala, pag epic ka, heroic ang dating ng buhay mo.  So pag dinugtungan mo pa ng super na epic pa – double positive na.    Ang galing-galing mo na!

True to its title, nailarawan nga ng ating author na si Mighty Rasing na from an ordinary person, kayang-kaya naman pala nating maging super na epic pa.  Very doable ang pagiging super epic.  Di naman pala natin kailangan maging super hero or gumawa ng something great agad.  Kahit sa maliit na mundo nating ginagalawan, kung nasaan man tayo, we still can make a difference.

Naisip ko tuloy, bakit walang ganitong libro nung isa pa ako sa mga kabataan?  Ngayong nanay na ako at di na matatawag na kabataan, mai-a apply ko pa kaya ang mga nabasa ko sa libro?

Answers to My Questions

  1. Marami din namang mga librong katulad nito nung ako’y teenager pa. It just so happened na iba ang interest ko nung bata pa ako.  At wala akong balak maging super epic.  From what I recall, ang concern ko nung bata pa ako is my social life.  Walang Facebook nung panahon ko pero important pa rin ang maraming friends, or so I thought.
  2. Ang isa pang reason kung bakit walang exactly ganitong book nung panahon ko is mas bata sa akin ang author. Teenager na ako, sanggol pa lang siya! LOL!
  3. It’s never too late to change. Ang pagiging super epic ay walang age limit.  Maraming stories din naman ng success na nakuha lang nila kung kelan matanda na sila.  So in essence, kayang-kaya kong i-apply sa pagiging Mommy ko ang mga principles ng libro.  Being a parent, whether we like it or not, LEADER tayo in our own right.  We have no choice but to be good role models sa mga anak natin.

Remember:  Attitudes are caught, not taught!  May mabigat na responsibility ang pagiging parent and if we take it seriously, we will watch our every actions and should strive to become our best.

  1. Ang isa pang practical application na pwede kong gawin ay ibigay sa mga anak ko ang appropriate discipline na kailangan nila. Hindi ipilit kundi ibahagi.  I-share lang.  May mga instances kasi na pinipilit natin ang mga anak natin na mag-mature na.  Gusto natin Now na!  Kaya lang, isa sa mga natututunan ko ay hindi mo kayang baguhin ang isang tao – maging anak mo pa yan.

Kids will mature on their own time.  Nagging doesn’t work, mapapagod lang jaw mo, mabibingi ka pa sa sarili mong ingay sa kakadakdak.  Ang mantra ko ngayon pag ipinipilit pa rin nila ang gusto nila ay ito:

The time may come when a teenager may ignore your advice and spurn your wisdom, but he cannot escape your prayers.             

– Dr. Harold Sala ( Raising Godly Kids)

or para sa mga inang nahihirapang manahimik tulad ko, you can take note of this line from the book about being a good wife na pwede rin i-apply sa mga anak:

   Shut Up and Pray!                     

– Stormie Omartian of  The Power of the Praying Wife

So there, from being an ordinary person to becoming #super epic is within reach.  Marami man hindrances, marami mang komontra, marami mang magsabi na di mo kaya… carry mo pa rin.  Sabi nga sa libro, Jesus was just an ordinary carpenter from a little town bago siya naging super epic.

Kung magiging pilosopo ka at sasabihin mong di naman ako God tulad ni Jesus, eh di ba naging tao nga siya eh.  Naging katulad natin.  Kung feeling mo super heavy si Jeus na example, tingnan mo ang mga saints.  Mayroong mga saints na naging santo for doing ordinary work lang.  The only difference is… they did everything, even the most menial task with love.

If you haven’t experience doing something with all your heart, with all your mind, and with all the love – offering every sacrifices to God, now would be a great start!

At syempre pa, being super epic is not just about yourself lang. You can’t have love if you have no one to give it to.

Ang sabi nga sa isang famous Church song, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang…”

A re-post from the book review blog of the site Prayernook, January 26, 2015

It would be nice to hear from you…


Discover more from Mom in Ponytail

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Jenn Ocampo Avatar

Published by

Categories: